top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

P865M ransom kapalit ng buhay ng 17 misyonaryo sa Haiti, hinihingi ng 400 Mawozo gang

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 23, 2021
1 min read

ni Jasmin Joy Evangelista | October 23, 2021



Humihingi ng $17 milyon o katumbas ng halos P865 milyong ransom ang mga armadong grupo at lider ng 400 Mawozo gang na dumukot sa 17 Christian missionaries sa Haiti.


Sa inilabas na video ng grupo, binantaan ng mga ito ang mga awtoridad na papatayin nila ang bihag nilang 17 misyonaryo kapag hindi ibinigay ang hinihingi nilang ransom kapalit ang kalayaan ng mga biktima.


Maging ang Prime Minister ng Haiti na si Ariel Henry at hepe ng National Police na si Leon Charles ay winarningan nilang may mapapahamak din sa oras na hindi maaksiyunan ang kanilang kondisyon.


Ang Ohio-based Christian Aid Ministries ay dinukot ng grupo pagkagaling ng mga ito sa bahay ampunan sa Port-Au-Prince.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page