P85 taas-sahod, tuloy — PBBM
- BULGAR

- 24 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | July 22, 2026

Photo: File / Bongbong Marcos FB
Nilinaw ng Malacañang na walang naging kautusan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin ang ipatutupad na P85 daily minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa National Capital Region.
Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na tuloy ang implementasyon ng wage order sa kabila ng panawagan ng ilang grupo ng mga negosyante na ipagpaliban ito.
Kaugnay naman ng magiging epekto ng dagdag-sahod sa pondo, sinabi ni Castro na nakipag-usap na siya kay Acting Labor Secretary Francis Tolentino at ibibigay nito ang kaukulang detalye.
Ang P85 dagdag sa arawang minimum wage ay ipatutupad sa dalawang yugto. Ang unang P60 ay magkakabisa sa Hulyo 25, habang ang natitirang P25 ay ipatutupad sa Enero 2027.
Kapag ganap na naipatupad, magiging P780 na ang minimum na arawang sahod ng mga non-agricultural worker mula sa kasalukuyang P695, habang magiging P743 naman mula sa P685 ang sa mga agricultural worker.





Comments