top of page

P805B kickback, idineliber kay PBBM at mga cong. — 18 ex-Marines... Script n'yo, sablay! — Castro

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 15 hours ago
  • 2 min read

ni Mylene Alfonso @News | February 26, 2026



Philippine Marine Corps

Photo: PCO



Tinawag ng Malacañang na paulit-ulit ang kasinungalingan hinggil sa akusasyon ng 18 umano’y dating Marines na sinasabing nagdala ng male-maletang pera sa ilang mambabatas at kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.


Inilarawan din ng Palasyo ang mga paratang ni Atty. Levi Baligod at ng 18 nagpakilalang Marines na lousy script.


“Paulit-ulit na kasinungalingan laban sa Pangulo. Lousy script, hindi pang-award winning.

Hindi malinis, alam mo na may kasinungalingan,” wika ni Palace Press Officer Claire Castro sa Palace briefing.


Una rito, ibinunyag ni Baligod at 18 nagpakilalang Marines na nagsilbi silang bagmen na nagdala ng P805 bilyon kina Pangulong Marcos, dating House Speaker Martin Romualdez at dating Rep. Zaldy Co.


Sinabi rin nila na nagtrabaho sila bilang mga security personnel ni Co.

Kaugnay nito, naniniwala si Castro na posibleng ang may-ari ng sasakyang sumundo sa mga lalaki matapos ang press conference noong Martes ang nasa likod ng mga paratang.


“Dapat ninyo sigurong malaman, kung sino talaga, alamin ninyo muna at baka kayo—I believe, hindi kayo magugulat, same people,” ani Castro.


Gayunman, hindi na nagbanggit ang Palace official ng kahit sinumang pangalan, ngunit sinabi niyang sila rin ang “parehong mga tao” na nasa likod ng mga kahalintulad na paratang laban kay Marcos at iba pang mga opisyal ng administrasyon.


Nang tanungin kung magsasampa ng reklamo ang Malacañang laban kay Baligod at sa nagpakilalang mga Marines, sinabi niya na nakasalalay na ito sa pulisya at sa National Bureau of Investigation kung bubuo sila ng mga kaso laban sa mga nagpapakalat ng “fake news”.


“Dapat pa ba silang utusan? Hindi po, obligasyon ng NBI, PNP, (Department of Justice),” pagtatapos ni Castro.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page