P8.4 M ilegal na yosi, nasabat

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 6, 2023

Nakumpiska ang higit sa P8 milyon halaga ng mga kontrabandong sigarilyo sa Zamboanga ngayong Lunes, ika-6 ng Nobyembre.
Nagpapatrolya sa dagat sa Barangay Maasin ang Zamboanga 2nd Mobile Force Company at Bureau of Customs nang kanilang makita ang isang motorisadong bangka o "jungkong" na may markang Lautanmas 3.
Nagsagawa sila ng pagsusuri at natuklasan ang higit sa 200 master case ng iba't-ibang imported na sigarilyo na may tinatayang halagang P8.4 milyon.
Lima sa mga crew member ng bangka ang dinala sa kustodiya matapos na hindi maipakita ang mga dokumento na nagpapatunay na legal ang transportasyon ng kargamento.
Patungo ang jungkong sa Zamboanga Sibugay mula sa Sulu nang ito ay mahuli ng mga awtoridad.
Dinala naman ang mga kontrabando sa headquarters 2nd Mobile Force Company bago ito ibigay sa Bureau of Customs.





Comments