P63M jackpot prize ng Super Lotto 6/49, nasungkit ng solo winner
- BULGAR
- Nov 28, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | November 28, 2022

Wagi ang isang mananaya ng mahigit sa P63 million Super Lotto jackpot prize nitong Linggo ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sinabi ng PCSO na ang winning number combination para sa Super Lotto 6/49 ay 05-42-40-03-25-35 na tinayaan sa Valenzuela City.

Ayon sa PCSO, umabot sa kabuuang P63,013,007.40 ang winning jackpot prize ng Super Lotto, na subject sa 20 percent tax. Habang kailangan itong i-claim sa loob ng isang taon mula sa petsa ng draw upang hindi ito ma-forfeit in favor ng Charity Fund.
Wala namang winner para sa Ultra Lotto 6/58 draw, kung saan ang jackpot prize ay P293,032,824.20 at ang winning number combination ay 36-38-29-07-45-12.





Comments