top of page
BIDA - CLAUDIA, PINAPAPALITAN NG BARRETTO ANG APELYIDO-IG _claudia & _dennisastig.jpg

P600M donasyon ng 'Pinas sa WHO, talupan — Imee

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 days ago
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | June 3, 2026



Sen. Imee Marcos / FB

Photo: Sen. Imee Marcos / FB



Nais paimbestigahan ni Sen. Imee Marcos ang umano’y $10 milyong donasyong ipinangako ng Pilipinas sa World Health Organization sa pamamagitan ng Department of Health.


Ito ay makaraang maghain ng Senate Resolution No. 418 si Marcos.

“‘Yang $10 million katumbas 600 milyong piso. Mas mahalaga ba ngayon na ilaan sa WHO ang ganyan kalaking halaga kaysa sa mga ospital at health facilities dito na diretsong pinakikinabangan ng mga Pilipino?” ayon sa senador.


Giit pa niya, nananatiling mabigat ang suliranin ng bansa sa sistemang pangkalusugan, kabilang na rito ang bilyun-bilyong utang ng PhilHealth sa DOH hospitals, habang umabot na rin sa P18.49 trilyon ang kabuuang utang ng bansa.


Binigyang-diin niya ang pangangailangang busisiin kung ang naturang donasyon ay legal, maayos, at napapanahon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page