top of page
Search
  • BULGAR

P600 M pondo at 500K food packs, ready na para sa tatamaan ni ‘Henry’ — NDRRMC

ni Lolet Abania | September 2, 2022



Nasa tinatayang P600 milyon pondo at 500,000 food packs ang inihanda ng gobyerno upang tulungan ang mga local government units (LGUs) na maaaring tamaan ng Bagyong Henry, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).


Sa televised public briefing ngayong Biyernes, sinabi ni NDRRMC spokesperson Raffy Alejandro na nagsagawa rin ang Office of the Civil Defense (OCD) ng mga non-food relief items kabilang na ang tarpaulins at iba pang family packs.


“So far ang preposition natin na mga goods ay umaabot ng 500,000 family food packs ang naka-ready, based sa DSWD ‘yan, kasama d’yan ‘yung almost P600 million na standby funds na readily available ‘yan ay sa DSWD pa lamang,” pahayag ni Alejandro na tumutukoy sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).


“Mayroon din manggagaling sa OCD sa amin na mga relief items na non-food like tarpaulins, other family packs yung mga relief packs na naka standby. So ready kami to augment itong mga LGUs na nangangailangan,” dagdag ng opisyal.


Ayon kay Alejandro, wala pa silang natatanggap na ng reports ng forced evacuation sa ngayon.


Gayunman, payo ng ahensiya sa mga LGUs sa high risk areas na mag-obserba at magpatupad ng kanilang preventive measures.


Aniya, halos 224 high risk barangay sa Ilocos Region ay prone sa mga landslides, habang tinatayang 44 barangay naman sa Cordillera Administrative Region (CAR) ay high risk din sa mga disasters.


Kaugnay nito, itinaas sa Signal No. 2 ang buong Batanes island habang ang Bagyong Henry ay patuloy na humihina at dahan-dahan na kumikilos northwestward patungong Philippine Sea, ayon sa PAGASA ngayong Biyernes.


Pumasok si ‘Henry’ sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bilang isang super typhoon subalit humina ito na naging typhoon level medaling-araw ng Biyernes.


Inaasahang na lumabas sa PAR ang Bagyong Henry sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page