top of page
Search
  • BULGAR

P50B pondo para sa mga lolo’t lola, dapat bantay-sarado

@Editorial | Abril 7, 2024



Good news sa mga lolo’t lola ang ulat na inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang halos P50 bilyong pondo para sa buwanang social pension.


Napag-alaman na mahigit 4 million indigent o mahihirap na senior citizen sa buong bansa ang makatatanggap ng nasabing ayuda.


Ang naturang halaga ay inilabas sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kinuha mula sa 2024 General Appropriations Act.


Layunin ng Social Pension for Indigent Senior Citizens program na mapabuti ang kapakanan ng kuwalipikadong indigent senior citizens sa pamamagitan ng pagtustos sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at medical requirements, maibsan ang kagutuman at maprotektahan sila mula sa deprivation, neglect o pang-aabuso.


Sa ilalim ng batas, ang mga benepisyaryo ay makatatanggap ng pinataas pa na buwanang tulong na P1,000 ngayong taon.


Ang mga kuwalipikado sa allowance ay dapat na 60-anyos pataas na mahina na o may karamdaman at walang pension na natatanggap mula sa gobyerno at private insurance companies. 


Gayundin, walang regular na pinagkukunan ng income o walang suportang natatanggap mula sa kanilang pamilya o kamag-anak para matustusan ang kanilang pangangailangan.


Umaasa tayo na magiging maingat ang gobyerno sa pagsala ng mga bibigyan, ‘yung talagang kuwalipikado. Kung may sapat nga lang na budget, mas mainam sana kung lahat ng senior ay mabibigyan bilang pagtanaw na rin ng utang na loob sa kanilang ambag sa lipunan lalo na noong sila’y nasa kanila pang kalakasan.


Dapat ding ingatan ang pondo mula sa anumang banta ng korupsiyon. Tiyakin na ito’y didiretso sa mga benepisyaryo at hindi sa bulsa ng mga korup.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page