P509-B puhunan sa turismo ng 'Pinas nu'ng 2023
- BULGAR
- Jun 22, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando @News | June 22, 2024

Umabot sa P509-bilyon nu'ng 2023 ang pamumuhunan sa turismo sa 'Pinas, ayon sa Department of Tourism (DOT).
Sinabi ni Tourism Sec. Christina Frasco na ang halagang ito ay 34% na mas mataas kumpara sa mga pamumuhunang nakuha ng turismo ng bansa nu'ng 2022.
Ipinaliwanag din niya na ang pinakamalaking kontribyutor sa mga proyekto sa turismo nu'ng nakaraang taon ay ang sektor ng akomodasyon, na may 51% na kabuuan.
“The power of tourism to improve the lives of Filipinos through job creation rests on two critical and interdependent drivers of tourism growth: tourism expenditures and tourism investments,” saad ni Frasco.
Matatandaang tinipon ng Philippine Tourism and Hotel Investment Summit ang mga pinuno ng turismo at mga mamumuhunan mula sa buong mundo.





Comments