P500B, sure daw na kikita sa maharlika, hamon sa mga trapo, kayo mamuhunan!
- BULGAR
- Jun 7, 2023
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 07, 2023
KUMPIRMADONG INUNGGOY LANG NG MGA SEN. AT CONG. ANG MAMAMAYAN NA HINDI RAW MAGAGAMIT SA MAHARLIKA INVESTMENT CORPORATION ANG SSS AT GSIS PENSION FUNDS -- Sinegundahan ni Finance Sec. Benjamin Diokno ang sinabi ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na basta’t aprubado raw ng board of directors ng SSS (Social Security System) at GSIS (Government Service Insurance System) ay puwede raw i-invest ang SSS at GSIS pension funds sa Maharlika Investment Corporation (MIC), government corporation na mamamahala sa Maharlika Investment Fund (MIF).
Kung ganu’n, kumpirmado na inunggoy lang ng majority senators at congressmen ang mamamayan sa sinabi nilang hindi puwedeng i-invest sa Maharlika Investment Corporation ang pension funds ng mga SSS at GSIS members, boom!
XXX
SA ‘PINAS LANG MANGYAYARI NA ANG PENSION FUNDS NG MAMAMAYAN AY ISUSUGAL SA INVESTMENT CORPORATION -- Sa ibang bansa ay hindi pinakikialaman ng kanilang gobyerno ang pension funds ng kanilang mamamayan, at ang tanging inilalagay ng kanilang pamahalaan sa kanilang government investment funds ay mula sa surplus funds o labis na pondo sa bawat ahensya ng kanilang gobyerno.
Onli in da ‘Pinas mangyayari na ang pension funds ng mga pensioners ay kukunin ng Marcos administration para isugal sa itinatag nilang Maharlika Investment Corporations, buset!
XXX
KUNG TIYAK NA KIKITA ANG MAHARLIKA INVESTMENT CORP., BAKIT HINDI ANG MGA TRAPO ANG NAG-AMBAGAN PARA MAMUHUNAN DITO -- Sabi ng mga trapo (traditional politicians) na nagsabwatan sa pag-apruba ng Maharlika Investment Funds ay tiyak naman daw kikita o lalago ang P500 billion na ipampupuhunan sa Maharlika Investment Corporation.
Masasabing pang-uunggoy din sa publiko ang sinabing ito ng mga trapo, kasi kung totoo na tiyak kikita ang Maharlika Investment Corporation, eh ‘di sana, silang mga trapo na ang nag-ambagan para pampuhunan sa investment fund, period!
XXX
HINDI LANG MGA TRAPO, KUNDI PATI MGA FAKE NEWS VLOGGERS TIYAK TITIBA SA MAHARLIKA INVESTMENT CORP. -- Hindi lang mga trapo ang titiba sa Maharlika Investment Corporation, kundi pati mga bayarang vloggers.
Tiyak kasing magpapakalat na naman ng mga fake news sa social media ang mga vloggers para ungguyin ang kanilang mga followers at palabasing kumikita ang Maharlika Investment Corporation, kahit na ang pondo ng bayan na inilagak dito ay inuumpisahan nang kurakutin ng mga buwaya sa pamahalaan, boom!





Comments