top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

P5.768-T para sa 2024, bantayan laban sa mga gigil sa budget

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 24, 2023
1 min read

@Editorial | June 24, 2023

Aprub na kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang P5.768 trilyong panukalang budget para sa taong 2024.


Mas mataas ito ng 9.5% kumpara sa kasalukuyang budget na P5.268 trilyon.


Patuloy umanong bibigyang prayoridad ang mga programa para sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Bagay na nakapaloob sa Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028 at 8-point socioeconomic agenda.


Katulad ng mga nagdaang taon, wala namang ibang hangad ang sambayanan kundi ang maramdaman ang pondo, lalo na ng mga mahihirap. Ang magamit sa mga kapaki-pakinabang na programa ang perang galing dugo’t pawis ng mamamayan.


Hangad ng publiko na maprotektahan ang pondo laban sa mga palpak at kurakot na mga opisyal.


Batid naman natin kung paano nasasayang ang ibang pera ng bayan. Hindi pa rin nawawala ang mga sablay na paggasta. Lalo na ang istayl bulok para lang makakurakot.


Bilang responsableng mamamayan, alamin natin kung saan mapupunta ang pondo at karapatan nating ilaan ito sa karapat-dapat.


Sa mga nagbabalak na walanghiyain ang pondo, makonsensya naman kayo!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page