top of page

P403M gastos sa mga biyahe ni P-BBM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 17, 2023
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | August 17, 2023



ree

Idinepensa ng Palasyo ang foreign at local travels ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na umabot sa mahigit P403 milyon noong nakaraang taon kung saan ang mga nasabing biyahe ay layuning gampanan ang kanyang mga tungkulin bilang pinuno ng bansa.


Una nang sinabi ng Commission on Audit (COA) sa kanilang ulat na umabot sa P403,087,594.93 ang mga naging foreign at local travels ng Pangulo sa kanyang unang anim na buwan, na tumaas ng P367,052,245.96.


Sinabi ng COA na kasama sa mga gastusin ang transportasyon, travel per diem, ferriage, at mga kaugnay na gastos.


Nabatid na ang mga foreign at local travels noong 2021 sa ilalim ng administrasyon ng kanyang pinalitan na si Rodrigo Duterte ay nasa P36,791,902.14 lamang, batay sa ulat.


"Significant increase of P367,052,245.96 is due to the official travels relative to the foreign summits and state visits attended by the President during the year in Singapore, Indonesia, United States of America, Cambodia, Thailand, and Belgium," ayon sa state auditors.


Gayunman, inihayag ni Press Secretary Cheloy Garafil na ang mga paglalakbay na ito ay dumating sa panahon na unti-unting inalis ang mga economic restrictions sa Pilipinas noong nakaraang taon.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page