P40-K pautang ng GSIS sa mga apektado ng Bagyong Florita
ni Fely Ng - @Bulgarific | September 5, 2022

Hello, Bulgarians! Inanunsyo kamakailan ng Government Service Insurance System (GSIS) president and general manager Wick Veloso na bubuksan ng GSIS ang kanilang emergency loan program para tulungan ang mga miyembro at pensyonado na apektado ng Bagyong Florita.
Ang mga miyembro ng GSIS na mayroong balanse sa emergency loan ay maaaring humiram ng hanggang Php40,000 upang mabayaran ang kanilang nakaraang balanse sa emergency loan at makatanggap pa rin ng maximum na halagang Php20,000. Ang mga walang emergency loan ay maaaring mag-apply ng Php20,000. Ang mga pensyonado ay maaari rin mag-apply para sa Php20,000 na pautang.
Ang mga aktibong miyembro na naninirahan o nagtatrabaho sa mga apektadong lugar, gayundin ang mga pensioner na may edad na at may kapansanan na nakabase sa parehong mga lugar ay maaaring mag-apply ng loan pagkatapos maideklara ang mga lugar sa ilalim ng state of calamity.
Ang mga kuwalipikadong mag-apply ay mga miyembro na nasa aktibong serbisyo; mayroong tatlong buwang bayad na premium sa loob ng huling anim na buwan; walang nakabinbing kasong administratibo o kriminal; at mayroong netong take-home pay na hindi bababa sa Php5,000 pagkatapos maibawas ang lahat ng kinakailangang buwanang obligasyon.
"Aside from emergency loans, our members may avail of the Multi-purpose Loan (MPL) Plus, which has a loan ceiling of up to P5 million. Pensioners, on the other hand, may borrow up to six-months’ worth of their pension under our enhanced Pension Loan program or up to P500,000," Sabi ni Veloso.
Dagdag pa ng pension fund chief, ang GSIS ay magbibigay ng tulong-pinansyal na tig-P400,000 bawat isa sa anim na paaralan sa North Luzon bilang bahagi ng Adopt-a-School Program nito sa pakikipagtulungan ng Department of Education. Kasama sa package ang tulong na suporta para sa teknolohiya at mga kagamitan sa pag-aaral, imprastraktura at kasangkapan.
“This is out of the 25 schools that GSIS will adopt nationwide this year as part of its corporate social responsibility program. Since 2014, GSIS has already adopted 85 schools across the country,” ayon kay Veloso.
Para sa mga detalye sa loan at CSR program ng GSIS, maaaring bisitahin ng mga miyembro at pensioner ang website ng GSIS (www.gsis.gov.ph) o Facebook page (@gsis.ph); mag-email sa gsiscares@gsis.gov.ph; o tumawag sa GSIS Contact Center sa 8847-4747 (kung nasa Metro Manila) o 1-800-8-847-4747 (para sa Globe at TM subscriber) o 1-800-10-847-4747 (para sa Smart, Sun, at Talk 'N Text subscriber)
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.



Comments