P4.55 dagdag-presyo sa LPG
- BULGAR

- Aug 1, 2023
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | August 1, 2023

Panibagong kalbaryo ang sasalubong ngayong Agosto sa publiko dahil sa napipintong pagtaas sa presyo ng liquefied petroleum gas o LPG.
Naglabas ng abiso ang Petron Corporation na magtataas sila ng presyo ng LPG ng P4.55 kada kilogram, habang P2.54 per liter naman sa AutoLPG.
Magiging epektibo ang pagtaas sa presyo ng LPG alas-12 ng hatinggabi ng Agosto 1.
Idinahilan ng Petron Corporation sa kanilang LPG price increase ang pagtaas ng contract price nito sa international market.
Huling nag-rollback sa presyo ng LPG noong Hunyo.
Wala pang abiso sa ibang oil companies kung susunod din para magtaas ng kanilang presyo sa LPG.








Comments