P4.50 dagdag-presyo sa diesel, P4 gasoline
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ni Mervin Reyes @News | September 5, 2026

Photo: File
Inaasahang tataas ang presyo ng diesel at gasoline sa susunod na linggo, ayon sa source mula sa oil industry.
Batay sa tatlong araw na trading, ang mga sumusunod ang posibleng galaw sa presyo:
Diesel: P4.00 hanggang P4.50 kada litro na dagdag
Gasoline: P3.50 hanggang P4.00 kada litro na dagdag
Inaasahang maglalabas ang mga kumpanya ng langis ng kanilang opisyal na price adjustment sa Lunes na magiging epektibo kinabukasan.





Comments