top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

P3k ibibigay ng San Juan sa papayag na dalhin sa isolation centers

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 16, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | July 16, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Tumataginting na P3,000 ang ibibigay ng San Juan City government sa pasyenteng may COVID-19 kung papayag silang mai-transfer mula sa kanilang bahay papunta sa city-based quarantine facility, ayon kay Mayor Francis Zamora.


Dagdag na tulong ang cash incentive sa pamilya ng covid19 patient na pipiliing mamonitor at magamot sa local government-manned na isolation facility kesa sumailalim lamang sa home quarantine.


Bukod dito, ayon kay Zamora, libre ang medical treatment ng mga pasyente sa centers ng siyudad habang sila ay naka-quarantine.


"Kapag kayo ay lumipat dito, libre ang inyong almusal, pananghalian, at hapunan. Libre ang gamot. Mayroon kayong 3,000 mula sa pamahalaang lungsod para makatulong sa inyong pamilya," sabi ni Zamora.


Nais ng lokal na pamahalaan ng San Juan na isaisantabi na ang home quarantine option para sa covid19 patients na walang sariling kwarto at banyo. Ang home quarantine ay hindi rin pinapayagan kung may kasamang bata, matatanda, buntis at may preexisting health conditions.


Samantala, ang national government ay nagsasagawa ng "Oplan Kalinga" program kung saan ang mga covid 19 patients na hindi kayang mag-comply sa home quarantine ay kukuhanin mula sa kanilang bahay at dadalhin sa mga quarantine facility ng gobyerno upang makontrol ang pagkalat ng sakit.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page