P3B para sa pag-aayos ng mga iskul, aprub sa DBM
- BULGAR

- Jan 8, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 8, 2024

Inanusiyo ng Department of Budget and Management (DBM) ngayong Lunes na inilabas ang P3.049 bilyon para sa pag-aayos ng mga gusali sa basic education sa buong bansa.
Batay sa DBM, inaprubahan ni Secretary Amenah Pangandaman ang Special Allotment Release Order (SARO) para sa pag-aayos at rehabilitasyon ng mga gusali sa elementarya at sekondaryang paaralan.
“It has always been our goal to improve the quality of education that we can provide to every Filipino and empower them with the necessary tools to improve his or her quality of life. This coming 2024, we will continue investing in education,” pahayag ni Pangandaman.
Nailabas na ang kabuuang P1.861 bilyon mula sa otorisadong alokasyon na P4.911 bilyon mula sa budget ng 2023, ayon sa DBM.
Ilalabas ang SARO sa Department of Public Works and Highways, sa ilalim ng kahilingan ng Department of Education.
“Nasa Maynila ka man o sa malayong probinsya, gagawin natin ang lahat upang maisaayos ang lahat education facilities sa bansa,” dagdag ni Pangandaman.





Comments