by Info @Brand Zone | March 15, 2024
Tumanggap ang PhilHealth mula sa PCSO ng P360M pondo para sa pagpapabuti ng mga benepisyo sa ilalim ng Universal Health Care.Â
Ang tseke ay tinanggap ni Ma. Lourdes V. Naguit (L) Chief for Investment Division ng Treasury Department ng PhilHealth mula kay PCSO General Manager Melquiades Robles. Kasama sa larawan si Melody A. Planillo, Fiscal Controller ng ahensya.
Sa ilalim ng Rule IX, Section 37(c) ng IRR ng Republic Act 11223 o ang Universal Health Care Act of 2019, ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay maglalaan ng 40 porsiyento mula sa charity fund para sa higit pang pagpapabuti ng benepisyo ng PhilHealth.
Kabilang sa palalawakin pang benepisyo ng PhilHealth mula sa pondo ng PCSO ay ang pagpapabuti ng Z benefit package para sa post-kidney transplant, breast cancer, prostate cancer, cervical cancer at open-heart surgery para sa mga bata, physical medicine, rehabilitasyon at rasyonalisasyon ng mga piling medical at surgical procedures.
Ang nasabing halaga ay ire-remit sa Bureau of Treasury bilang kontribusyon ng PCSO sa 4th quarter ng taong 2023, at ito ay maibibigay sa PhilHealth sa pamamagitan ng General Appropriation Act.
Benepisyong handog ng PhilHealth!
Protektahan natin ang kalusugan ng bawat Filipino.
Para sa detalye: Maaaring bisitahin ang official website ng PhilHealth sa www.philhealth.gov.ph. CALLBACK CHANNEL: 0917-8987442 (I-text ang "PHIC callback <space> mobile number o Metro Manila landline ninyo <space> tanong o concern" at kami ang tatawag sa inyo.)
Comments