P350K annual income, libre sa buwis
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | July 28, 2026

Photo: SONA 2026 / Senate PH
Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso na agarang ipasa ang mga panukalang batas na magbibigay ng tax relief sa mga Pilipino, partikular sa middle class, bilang tugon sa patuloy na epekto ng mga nagdaang krisis.
Kabilang sa mga panukalang inihayag ni Marcos ang pagpapalawak ng income tax exemption upang maisama ang mga manggagawang kumikita ng hanggang P350,000 kada taon, na hindi na papatawan ng income tax.
“Una, palawakin natin ang exemption sa income tax. Dagdagan natin ang mga manggagawang malilibre sa buwis sa kanilang kita. Isasama na natin ang mga kumikita ng hindi lalagpas sa PhP350,000 kada taon,” patuloy niya.
Inihayag din ng Pangulo na aalisin na ang minimum corporate income tax para sa mga maliliit na negosyo upang makatulong sa kanilang paglago at pagpapalawak.
Isinusulong din ang pagbibigay ng tax amnesty para sa mga hindi nabayarang buwis, kabilang ang income tax, estate tax, donor’s tax, at value-added tax (VAT), pati na ang kaukulang multa, upang mabigyan ng pagkakataon ang mga taxpayer na makapagsimulang muli nang walang mabigat na pananagutan.
MRT-7, aarangkada na sa 2027
INANUNSYO ni Pangulong Bongbong Marcos na target buksan sa susunod na taon ang unang 12 station ng MRT-7, na unang bibiyahe mula North Avenue hanggang Sacred Heart, Quezon City, at susundan ito hanggang sa San Jose del Monte, Bulacan.
Inaasahang makikinabang sa proyekto ang halos isang milyong pasahero kada araw.

%20-%20JAMES%2C%20NAWALAN%20NG%20P150%20M%20DAHIL%20SA%20TIWALA%20SA%20KASOSYO%20SA%20NEGOSYO-IG%20_.jpg)



Comments