P310 M pondo ibinigay na sa EDSA Carousel operators – LTFRB
ni Lolet Abania | July 19, 2022

Ipinahayag ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ngayong Martes na nag-release na sila ng mahigit P310 million pondo para sa payment sa mga bus operators ng EDSA Carousel matapos na maantala ng ilang linggo.
Sa isang interview, sinabi ni LTFRB chairperson Atty. Cheloy Garafil na mayroon silang “enough funds” o sapat na pondo na magsisilbing suweldo ng mga bus operators sa ilalim ng free ridership program ng gobyerno.
“In a span of two weeks, naayos natin ‘yung payout nila. Ngayon, nasa week 10 na kami so almost one month din na mahigit ‘yung naayos namin. More than P310 million na po ‘yung aming nailalabas na pera for [that],” sabi ni Garafil na aniya, ang programa ay nasa ika-13th linggo na sa ngayon.
Iginiit naman ni Garafil na minamadali na rin nila at tinututukan ang payment issues hinggil sa EDSA Bus Carousel na aabot sa katapusan ng Hulyo.
“Nagpasalamat sila kahapon kasi napabilisan ‘yung pagbayad sa kanila in just a span of two weeks. Na-appreciate naman nila that’s why they committed na dadagdagan talaga nila ‘yung mga buses diyan sa EDSA busway, especially kapag rush hour,” saad ni Garafil.
Una nang iniutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong lamang buwan na i-extend ang libreng sakay sa EDSA Bus Carousel hanggang Disyembre 2022.
Sa ilalim ng service contracting program, ang mga public utility vehicle (PUV) operators at drivers na lalahok sa free ridership program ng gobyerno ay makatatanggap ng one-time payout at lingguhang bayad base sa bilang ng kilometro na kanilang biniyahe kada linggo, mayroon man silang sakay na pasahero o wala.





Comments