P300K, natangay sa supermarket ATM sa Sta. Rosa, Laguna
ni Lolet Abania | December 27, 2022

Isang automated teller machine (ATM) sa loob ng isang supermarket sa Sta. Rosa, Laguna ang ninakawan ng mga kawatan.
Sa isang report ng State of the Nation ng GMA News TV, ayon sa pulisya ang mga suspek ay nagawang magnakaw ng halagang P300,000 mula sa bank ATM.
Wala pang ibinigay na pahayag at komento ang management ng supermarket, maging ang bangko na nagmamay-ari ng ATM kaugnay sa insidente.
Patuloy ding iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nangyaring nakawan.





Comments