top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

P30 dagdag sa presyo ng produktong karne

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 18, 2022
2 min read

ni Lolet Abania | July 18, 2022




Tumaas ng P30 per kilo ang presyo ng mga produkto ng karne sa Metro Manila mula sa mga antas na nakita noong nakaraang linggo, habang patuloy ang agriculture sector na nahaharap sa maraming isyu gaya ng nananatiling banta ng African swine fever (ASF).

Sinabi ni Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) representative Nicanor Briones na mayroong mga isyu silang kinakaharap hinggil sa suplay ng mga produkto tulad ng itlog at baboy.


“’Pagdating sa itlog ay definitely talagang lalong tataas at talagang may kakulangan dahil sabi ko nga, bago makadagdag ng supply eh, aabutin ng one and a half years,” pahayag ni Briones sa GMA News nitong Linggo.


“’Pagdating naman sa karneng baboy, eh ganyan pa rin ang sitwasyon medyo tataas kasi lalakas ang demand, ‘yung supply ay ‘di pa rin naman magkakaroon ng ganon karaming dagdag dahil patuloy na mayroong ASF eh,” sabi pa niya.


Sa parehong report, nakasaad na ang presyo ng meat products ay tumaas ng aabot sa P30 per kilogram sa Trabajo Market sa Manila mula sa levels na nakita noong nakaraang Biyernes, kung saan ang kasim/pigue ay P360 na mula sa dating P330; liempo ay P400 hanggang P410 mula sa P380; at ang whole chicken ay 210 mula sa P200.


Ayon kay United Broilers Raisers Association (UBRA) chairman Gregorio San Diego na sinisikap ng grupo na maiwasan ang pagtaas ng rates hanggang sa kanilang makakaya.


“Tumataas nga. Kaya lang, ibig ko sabihin, hangga’t may margin pa naman kami na kikita pa naman kami, iiwasan sana namin na magtaas. Kahit kumita nang kaunti, okay na,” sabi ni San Diego sa parehong report.


Naninindigan naman ang Department of Agriculture (DA) na wala anila na kakulangan o shortage sa naturang produkto.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page