P3 dagdag-presyo sa diesel, P1 gasoline
- BULGAR

- 3 hours ago
- 1 min read
by Mai Ancheta @News | July 4, 2026

Photo: File
Panibagong pagtaas sa presyo ng diesel ang aasahan sa susunod na linggo habang rollback naman sa gasolina.
Batay ito sa resulta ng apat na araw na trading sa industriya ng langis ng Mean of Platts Singapore.
Sa inaasahang price adjustments, ang presyo ng diesel ay tataas mula P1 hanggang P3 kada litro. Magkakaroon naman ng pisong rollback sa gasolina kada litro o kaya ay tataas ng piso.
Ang price adjustment ay inaasahang ianunsiyo ng mga kumpanya sa Lunes at magiging epektibo sa Martes.





Comments