top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

P3 bilyon ang intelligence fund ng DND, tapos sablay? Tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 26, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 26, 2021



PALPAK NA RED-TAGGING NG DND AT AFP—Humingi ng paumanhin si Defense Sec. Delfin Lorenzana at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga pinangalanan nilang mga taga-UP (University of the Philippines) na nag-NPA (New People’s Army) at napatay sa engkuwentro sa militar, dahil karamihan pala sa mga tinukoy nilang ‘dead’ ay buhay pa at hindi kailanman naging rebelde o komunista.


Patunay ang ‘yan na palpak ang ginagawang pagre-red-tagged ng DND at AFP sa mga taga-UP, boom!


◘◘◘


P-DIGONG, GALIT DAW SA NPA PERO NOONG MAYOR PA SIYA AY MADALAS NAMANG BUMISITA SA KAMPO NG MGA REBELDE—Sa harap ng mga sundalo sa Jolo ay sinabi ni P-Duterte na nagngingitngit siya sa galit sa mga NPA (New People’s Army) dahil pinatay ng mga ito ang isa sa kanyang malapit na kamag-anak.


Ganu’n? Eh, kung totoong galit si P-Duterte sa mga NPA, bakit noong mayor pa siya ng Davao City ay madalas siyang bumisita sa kampo ng mga rebelde, at nakikikuyom-kamao pa? Period!


◘◘◘


P3-B ANG INTEL FUND, TAPOS SABLAY ANG PANINIKTIK SA MGA KALABAN NG PAMAHALAAN?—Matapos malaman ng publiko na hindi naging NPA ang karamihan sa mga taga-UP at buhay pa ang mga ito, taliwas sa ibinida ng AFP na napatay nila ang mga ito sa engkuwentro, bukod sa batikos ay pinagtawanan pa ng publiko si Sec. Lorenzana.


Mantakin n’yo, mahigit P3 bilyon ang intelligence fund ng DND, tapos sablay ang kanilang paniniktik sa mga sinasabi nilang kaaway ng pamahalaan? Buwisit!


◘◘◘


SA MGA DDS FAKE NEWS BLOGGERS KAYA KUMUKUHA NG DATOS ANG DND AT AFP SAKANILANG PAGRE-RED-TAGGED?—Dahil pumalpak ang DND at AFP sa kanilang pagre-red-tagged, eh, ang tanong ngayon ng mamamayan ay saan kaya nila kinuha ang datos sa mga taga-UP na ibinida nilang mga nagsipag-NPA, na napatay daw nila sa engkuwentro?


Sa mga DDS fake news bloggers kaya? Boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page