top of page
Search
  • BULGAR

P3.7 M ang carry over sa WTA

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | March 10, 2021



Paglalabanan ngayon ng Bayang Karerista ang carry over na P3,721,838.53 sa Winner Take All (WTA)sa pag-alagwa ng karera sa San Lazaro Leisure Park(SLLP),sa Manila Jockey Club,Inc.(MJCI), Carmona,Cavite.


Ito ang 2nd carry over makaraang mabigo ang unang carry over sa MJCI. Siyam na karera ang matutunghayan ngayong gabi sa MJCI at asahan na maraming mananaya ngayon sa I70 off track betting station sa Metro Manila at Luzon wide.


Sa Race 1 nakalalamang ang Chrome Platter (2), makakalaban ang Epic Plus(5) at may stamba ang Maki Boi(9) at Race 2 na pinapaboran ang couple entry no.2, (Cat’s Day/Laughing Tiger) makakalaban ang Happy Julliane (12)at subukan ang Isa Pa Isa Pa (10).


Sa Race 3 simula ng WTA at tayaan ang Don Albertini (5),More or Less at isama ang Smiling Lady, sa Race 4, iposte ang Trust Worthy (4) at isama ang Street Smart (9). Sa Race 5 nakalalamang ang Refuse to Lose, makakalaban ang Magnolia Yana ay Lucky Noh Noh makikita sa unahan,sa Race 6 lang ang Easy Touchdown (6), Abel Iloco at Heroesdelninetysix ang makakalaban.


Sa Race 7 Ava’s Dream ang nakalalamang, Boni Avenue, magsisilbing kalaban sa Race 8 nakalalamang ang Anika’s Will, Sky Plus ang tatalo. Sa Race 9 Lucky Saver (3), Fantastic Matty (12) makikita sa unahan ang Texas Mighty Coast at isama sa inyong tatayaan.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page