top of page
Search
  • BULGAR

P3.4M shabu, nasabat sa Cotabato

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 20, 2024




Nasabat ng mga otoridad ang P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu at apat na drug pusher ang naaresto sa isang buy-bust operation sa Cotabato City.


Kinilala ang mga suspek bilang sina Sampulna Amboto Mague, kilala bilang Sampulna, 52, lalaki; Tammy Slaiman Mague, 23, lalaki; Armran Abdullah Engga, 19, lalaki; at Noraida Anpog Solaiman, babae.


Mula sa mga suspek, nakumpiska ang 13 heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng P3.4 halaga ng 500 gramo ng shabu, apat na cellphone, mga drug paraphernalias, at mga voter's certificates.


Sa ngayon, dalawang suspek ang nasa pangangalaga ng PDEA at dalawa ang nasa Department of Social Welfare and Development.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page