P3.36 bawas-presyo sa LPG
- BULGAR

- Apr 21
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | April 21, 2026

Photo: File / LPG
Magkakaroon ng panibagong rollback sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa linggong ito.
Ayon sa isang supplier ng LPG, magpapatupad sila ng bawas-presyo na P3.36 per kilogram, kasama na rito ang value added tax, epektibo ngayong Martes, April 21.
Ang rollback ay katumbas ng P33 sa bawat 11-kilogram ng tangke ng LPG.
Ayon kay Arnel Ty ng LPG Marketers Association, ang rollback ay dahil bumaba ang gastos sa transport at shipping.





Comments