P3.20 dagdag-presyo sa gasoline, P0.60 rollback sa diesel

ni Mervin Reyes @News | October 31, 2026

Photo: File
Posibleng tumaas ng hanggang P3.20 kada litro ang presyo ng gasolina sa susunod na linggo, habang inaasahan namang bumaba ng hanggang P0.60 kada litro ang presyo ng diesel.
Batay sa apat na araw na galaw ng Mean of Platts Singapore (MOPS) at palitan ng piso kontra dolyar, tinatayang maglalaro sa P2.90 hanggang P3.20 kada litro ang taas-presyo sa gasolina, habang P0.40 hanggang P0.60 kada litro naman ang bawas-presyo sa diesel.
Tuwing Lunes inaanunsiyo ng mga kumpanya ang opisyal na pagbabago sa presyo ng produktong petrolyo, na ipinatutupad kinabukasan.





Comments