P2K/buwan sa PWD, oks sa Kamara

Fni Angela Fernando - Trainee @News | November 22, 2023

Naaprubahan ng House Special Committee on Persons with Disabilities nitong Miyerkules ang panukalang naglalayong magbigay ng buwanang P2K sa mga taong may kapansanan.
Base sa substitute bill, ang regular na suporta ay iaangkop sa inflation para mapanatili ang maayos na epekto nito sa antas ng pamumuhay at pakikiisa ng mga PWD.
Ipapatupad ito sa dalawang bahagi at sisimulan sa listahan ng mga lokal na yunit ng gobyerno na meron nang PWD ID.
Ayon kay Deputy Majority Leader and Quezon City 3rd District Representative Franz Pumaren, ang nasabing bill ang maglalabas ng P2K bawat buwan para sa gastusin ng mga taong may kapansanan.
Iminumungkahi sa panukalang batas na kumuha ng pondo sa taunang badyet ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa implementasyon nito.
Ipapasa rin ang bill sa House Committee on Appropriations para malaman ang kanilang komento ukol sa bill.





Comments