P29.7M jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, nasungkit ng solo winner
- BULGAR
- Nov 6, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | November 6, 2022

Wagi ang isang mananaya ng P29.7 million matapos masungkit ang jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Sabado ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sa isang Facebook post , sinabi ng PCSO na nakuha ng sole winner ang number combination na 40-03-34-37-19-15 sa ginanap na draw kagabi.
Ayon pa sa ahensiya, nasa tinatayang 12 mananaya naman ang nakakuha ng second prize na P100,000, habang 550 indibidwal ang nanalo ng third prize na halagang P1,500.

Isa pang bettor ang nagwagi rin ng P15,395,114.80 million jackpot prize sa 6/42 Lotto draw, na may winning number combination na 31-32-08-25-29-14.
Sinabi ng PCSO na 22 players naman ang nakakuha ng second prize na P24,000 sa nasabing draw rin kagabi.
Nag-iisa mananaya rin ang nanalo ng halos P1.8 million prize sa 6D Lotto na may winning number combination na 9-1-8-1-0-3.





Comments