P234M puslit na yosi, nasabat
- BULGAR

- Jul 23
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | July 23, 2026

Photo: Naval Command Western Mindanao
Nasabat ng mga operatiba ng Naval Command Western Mindanao ang mahigit P234.3 milyong halaga ng puslit na sigarilyo sa karagatang sakop ng Lutangan Island, Olutanga, Zamboanga Sibugay bilang resulta ng pinalakas na kampanya laban sa transnational maritime crimes sa Western Mindanao.
Ang mga nasamsam na sigarilyo ay dayuhang brand na isinakay sa isang motorboat.
Ang mga nasabat na puslit na sigarilyo ay itinurn-over sa Bureau of Customs-Port of Zamboanga para sa kaukulang disposisyon alinsunod sa umiiral na batas laban sa anti-smuggling.





Comments