top of page

P211M kita ‘di idineklara, online store, ipinasara ng BIR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 days ago
  • 1 min read

ni Mai Ancheta @News | March 16, 2026



Online seller BIR

Photo: Bureau of Internal Revenue



Ipinasara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang isang malaking online selling operation sa Jamestown at Mabini St., Cebu City dahil sa kabiguang ideklara ang tunay na kita na umaabot sa mahigit P211 milyon.


Ayon sa BIR, nakatanggap ang mga otoridad ng report na isang online seller ang nagbebenta umano ng luxury goods sa pamamagitan ng live selling sa social media platforms at hindi umano nag-iisyu ng opisyal na resibo at hindi nakarehistro sa BIR.

Matapos ang ginawang surveillance at beripikasyon, ipinatupad ng BIR ang Oplan Kandado.


Batay sa nakuhang business records sa inilunsad na operasyon, umabot sa 211 million pesos ang gross sales ng online store at may tax liability o hindi binayarang buwis sa gobyerno na P40.4 milyon.


Hindi nadatnan ng mga otoridad ang mga taong nagpapatakbo sa online store na nauna nang pinadalhan ng abiso ng ahensya pero hindi umano pinansin ng mga ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page