P21 M ang pinakamahal… KOLEKSIYON NI JINKEE NG HERMES BAGS, P50 MILYON LANG NAMAN!
- BULGAR

- Oct 5, 2020
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 5, 2020

Malaking kayamanan na kung tutuusin ang halaga ng 8 Hermes bags na nasa collection ni Jinkee Pacquiao. Milyones ang halaga ng bawat isa at puwede nang ipambili ng ilang house and lot.
Ang pinakamahal na Hermes bag ni Jinkee ay isang Birkin Himalayan na nagkakahalaga ng P21 M plus. Ang isa pa niyang Hermes bag ay P6 M ang halaga.
Ang kanya namang Birkin Emerald bag ay worth P4.494 M. Ang Hermes Lizard bag niya ay P5.937 M. Ang Black Birkin bag naman ay P3.5 M.
May orange Hermes bag din si Jinkee na ang presyo ay P2.2 M. Ang Hermes Kelly 20 ay worth P2.968 M.
Pinakamurang bag sa collection ni Jinkee ang Hermes Kelly 32 na ang presyo ay P1.8 M.
Kaya kung susumahin ang walong Hermes bags ni Jinkee ay aabot lahat ng P50 million!
Sino sa ating mga local celebrities ngayon ang dadaig sa Hermes bag collection ni Mrs. Pacquiao? Kaya bang tapatan ito nina Gretchen Barretto at Heart Evangelista?
At pati ang jewelry collection ni Jinkee, bonggacious din!





Comments