top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

P201M pekeng tsinelas, nakumpiska

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 8, 2023
1 min read

ni Mai Ancheta | June 8, 2023




Nasamsam ng mga operatiba ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group ang mahigit P201 milyong halaga ng mga pekeng branded na tsinelas at sapatos sa magkakahiwalay na lugar sa Bulacan na nagresulta sa pagkaaresto ng ilang dayuhan.


Kinilala ang mga suspek na sina Chu Jen Huang, 64; Wu Gu Ding, 60; Lin Chang Jiang, 33; Shuzhen Wang, 27, at Zheng Feng Lin, 37.


Unang sinalakay ang isang warehouse sa Marilao, Bulacan at nakumpiska ang mahigit isang libong sako ng mga tsinelas na nagkakahalaga ng P180 milyon.


Nakumpiska rin sa isang warehouse sa Bocaue ang 80 sako ng tsinelas na nagkakahalaga ng P80M at cash na P24,400.


Ayon kay PNP-CIDG Chief Brigadier General Romeo Caramat, Jr., iginiit ng mga nahuling suspek na sila umano ang otorisadong distributor sa mga nasamsam na produkto at iginiit na orihinal ang mga ito.


Nagpapatuloy aniya ang imbestigasyon para matukoy ang supplier ng mga pekeng Crocs, Havaianas, Nike at Adidas.


Nahaharap sa kasong paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines ang mga naarestong suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page