top of page

P200M na lang ang laman ng SALN… ROBIN, UMAMING NAUBOS ANG BILYON SA PULITIKA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 23 hours ago
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | November 23, 2025



Robin Padilla  - VIva

Photo: Robin Padilla / FB


Balik-VIVA si Sen. Robin ‘Binoe’ Padilla. 

Sa isang espesyal na contract signing sa Viva Office, panay throwback ang naging topic with Binoe lalo’t ang karamihan nga sa mga naroroon ay kagaya naming mga ka-batch o ka-liga niya sa industriya.


“Nakakatuwa. Ibang klase ang pakiramdam na nakikita ko ‘yung mga nakasabayan ko, inabutan ko sa industriyang nagkanlong sa akin sa mahabang panahon. 


“Walang problema, hindi problema ang pinag-uusapan kundi entertainment lang,” bahagi pa ng naging kuwentuhan namin sa senador na nag-off muna ng tsikahan tungkol sa pagiging pulitiko niya.


Tapos na pala ang Bad Boy 3 (BB3) movie na very soon ay ipapalabas na sa mga sinehan. Limang mga movies pa ang nakatakda niyang gawin under Viva bilang co-producer siya.


Nilinaw ni Binoe na nang dahil sa mataas na cost ng production, ang talent fee (TF) niya ang naging ambag niya sa Viva, kaya raw mayroong RCP Films (Robinhood Cariño Padilla) sa collab projects nila.


“Handa ka ba sa mga nega bashing sa ‘yo sa pagbabalik-movie mo?” tanong ng isang

kasamahan sa trabaho. 


“Sanay na tayo d’yan. Ano pa ba ang hindi naibabato sa akin? Pero rito sa showbiz, ‘yung mga personalan, hindi ganu’n nagtatagal. ‘Pag nakausap mo na ‘yung tao na iniintriga sa ‘yo, madaling magkapatawaran. 


“Sa pulitika, iba. Pero nasanay na rin ako. Salamat sa mga iskandalo at intriga sa showbiz, ini-ready ‘yung kalooban natin,” sagot ni Binoe.


Ang ilan sa mga binanggit ni Binoe na makakasama niya sa BB3 movie ay sina Dennis Padilla, Phillip Salvador, Ruffa Gutierrez, Kylie Padilla at marami pa raw na dati niyang mga katrabaho.


Mukhang kinakausap na rin si Megastar Sharon Cuneta para sa part 2 ng kanilang Maging Sino Ka Man (MSKM) movie, plus dream din daw niyang makatrabaho si Ruru Madrid dahil sa passion nito sa Pinoy action gamit ang Pinoy martial arts. 

Na-mention din niya si Coco Martin at ang pamangkin na si Daniel Padilla na siyang nais niyang pamanahan ng kanyang pagiging ‘bad boy’ na title sa showbiz at bilang isang action hero.


Samantala, isang makahulugang ‘good luck’ lang ang naibahagi nito sa usaping Aljur Abrenica, ang ama ng kanyang mga apo sa anak na si Kylie Padilla.



MARAMI na naman ang namba-bash kay Meme Vice Ganda nang dahil lang sa simpleng komento nitong ‘Pa-juliet-juliet’ (paulit-ulit naman daw) sa naging performance ni Thai popular singer Jeff Satur. 

Twice ngang kumanta si Jeff sa mahahalagang portion ng Miss Universe 2025.


Maraming mga Pinoy fans ni Jeff ang namba-bash kay Meme Vice dahil sa naturang post lalo’t may mga memes ding ikinukumpara ito kay Aljur Abrenica sa pagkanta nang tumitili at bumibirit na parang ibon daw.


Sinagot naman sila ni Vice at sinabing never niyang pinintasan ang husay ng singer bagkus ay naitanong lang nito kung bakit walang ibang singer na kumanta o naging guest.


‘Yung pagkukumpara kay Aljur ay hindi galing sa kanya kundi sa ibang nakapanood ng performance ni Jeff. 

“Complement pa nga ‘yun dahil singer din naman talaga si Aljur,” depensa ng ilang netizens.


“Misquoted o misinterpreted na naman si Meme. Basta-basta na lang din kasing mamuna ‘yung iba,” hirit naman ng nagtatanggol kay Vice Ganda.



HANEP naman ang ginawang mediacon ng Regal Entertainment para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nilang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins (SRR:EO).


Very now ang peg lalo’t sa isang malaking sinehan ito sa Gateway ginanap with those of adoring fans ng mga young members of the cast na hindi maawat sa kakatili at kakasigaw. Hahaha!


Maganda ang premise ng trilogy ng SRR dahil may timeline silang 1775, 2025 at 2050 at kung paanong nilalabanan ang forces of evil.


Sina Richard Gutierrez, Carla Abellana, Manilyn Reynes, Arlene Muhlach, Ara Mina, Ivana Alawi at Janice de Belen ang lumalabas na mga senior stars ng Regal entry dahil halos lahat ay mga baguhang artista na.


Karamihan pa sa kanila ay mga galing sa bahay ni Kuya at naging popular nang dahil sa naging exposure nila sa Pinoy Big Brother (PBB).


Nandiyan sina Dustin Yu, Fyang Smith, JM Ibarra, Loisa Andalio, Isabel Ortega, Ashley Ortega, Elijah Alejo, Karina Bautista at sina Seth Fedelin at Francine Diaz, plus marami pang iba.


Ang mga direktor nito ay sina Ian Lorenos, Joey de Guzman at Shugo Praico.

Well, umaasa rin kami na ‘yung lakas ng mga sigawan sa mediacon ng mga grupo ng mga fans ng ilan sa mga bidang artista ng SRR:EO ay dapat na mag-translate sa bonggang box-office returns come December 25.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page