P200 M ang target… SAM, IBINENTA ANG 10 LUXURY CARS PARA MAKAPAGPATAYO NG DIALYSIS CENTER
- BULGAR

- Sep 30, 2024
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | Sep. 30, 2024

Hindi pa man nagdedeklarang tatakbong mayor ng Maynila ang Tutok to Win Partylist representative, Dear SV host at boyfriend ni Rhian Ramos na si Sam Verzosa pero grabe na ang effort nito sa pagtulong sa mga taga-Maynila.
Last time, namigay siya ng 100 food carts para ipangnegosyo ng mga mahihirap at walang trabaho.
At kahapon naman, saksi kami sa ginanap na SV Driven to Heal Charity Event na ginanap sa Frontrow Headquarters sa Quezon City kung saan naka-display ang mga luxury cars ni Rep. Sam tulad ng Rolls Royce, Ferrari, Audi at marami pang iba na for auction na.
Yes, ibinenta ni Sam ang mga koleksiyon niya ng luxury cars na ang sabi, for this batch ay 10 mamahaling kotse na may P40 M ang isa (Rolls Royce) at ang target niya ay makapag-raise ng P200M para makapagpatayo ng dialysis at diagnostic center para sa mga taga-Maynila.
Una nang naglabas ng mga mobile clinic si Rep. Sam na umiikot na raw sa Maynila kung saan may mga X-ray, ultrasound at iba pang medical services.
Kaya ngayon pa lang, marami na ang nagugulat sa laki ng budget na inilalabas ni Sam para sa maingay na maingay niyang pagtakbong alkalde ng lungsod.
Tinanong nga namin ang girlfriend ni Rep. Sam na si Rhian Ramos kung ano ang first reaction niya nu’ng sinabi ng BF na tatakbo itong mayor ng Maynila.

Sagot nito, “Nagulat talaga ako kasi para siyang threat para sa akin kasi mawawalan talaga siya ng oras para sa akin, eh.
“Ang mayor is full-time job talaga, kahit midnight, ‘pag may nangyari sa lugar mo, kailangang nandu’n ka. So, ‘yun lang naman ang naging concern ko but I believe naman na it’s something he can do and I know naman na ang mga intentions niya for it are the right intentions, na ganu’n naman dapat, na gusto niya lang talaga makagawa ng mga positive changes, makatulong, and ayun, hindi niya iniisip ‘yung mga pansariling interes which is kahit ayoko ng politician boyfriend, support naman ako sa mga dahilan kung bakit nandiyan siya.”
Bago ang 10 luxury cars na ipina-auction ni Rep. Sam, may una na rin pala itong ibinentang 2 pa, na suportado rin ni Rhian dahil for a good cause naman daw para masuportahan nga ang mga advocacies ng BF na makatulong sa mga nangangailangan.
Hindi raw pinakikialaman ni Rhian kung grabe man ang inilalabas na pera ngayon ni Sam sa matunog nitong pagtakbo, basta ang mahalaga para sa kanya ay masaya ang BF at walang stress.
Nakikita raw kasi niya ang pure intention ni Sam at ‘yun ang mahalaga kaya suportado niya ito.








Comments