P20-B, ilalaan sa 20 milyong Pinoy para sa bakuna kontra covid-19; idedetermina ng DOH
- BULGAR

- Aug 1, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | August 1, 2020

Maglalaan ang pamahalaan ng P20 billion upang bumili ng vaccines laban sa coronavirus o covid 19, kapag dumating na ito sa bansa.
Noong Huwebes, inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang plano ng gobyerno para sa vaccination drive kontra covid-19 upang makatulong na ma-“normalize” na ang sitwasyon ng bansa.
Ayon kay Pangulong Duterte, ang kinokonsiderang vaccine na bibilhin, ang mga madedebelop na nagmula sa China.
Kamakailan, nagpahayag ang Chinese government, na ang Pilipinas ang isa mga bansang bibigyan ng unang bugso kapag natapos na nila ang covid-19 vaccine.
Gayunman, ayon kay Finance Secretary Carlos “Sonny” Dominguez III, ang Department of Health (DOH) ang magdedetermina ng mga maaaring bilhing covid-19 vaccines sa pamamagitan ng Department of Trade and Industry’s (DTI) Philippine International Trading Corp. (PITC).
Manggagaling ang pondo na pambili ng bakuna sa Land Bank of the Philippines (LBP) at sa Development Bank of the Philippines (DBP).
“The GFI [government financial institutions] will fund PITC’s purchase with a term loan for the purchase of the vaccines identified by the DOH, PITC will sell the vaccines to the DOH,” sabi sa Viber message ni Dominguez.
Target ng DOH ang pagbibigay ng vaccines sa inisyal na 20 milyong Pinoy kontra covid-19 ng libre, ayon sa finance chief.
Gayundin, ayon kay P-Duterte bibigyang prayoridad at uunahin ang mahihirap na pamilya, na nakakatanggap ng benepisyo sa social amelioration program mula sa gobyerno sa vaccination drive na ipatutupad.





Comments