top of page
BIDA - ALEX EALA, TUMANGGING MAG-AUTOGRAPH SA BANDILA NG ‘PINAS-IG _alexa.eala.jpg

P2 dagdag-pasahe, suspendido pa rin — DOTr

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 52 minutes ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | August 7, 2026



Jeepney, passenger and driver - LTFRB

Photo: LTFRB / File



Mananatiling suspendido ang panukalang P1 hanggang P2 na dagdag-pasahe sa mga pampublikong sasakyan matapos igiit ng Department of Transportation (DOTr) na patuloy pa itong pinag-aaralan upang matiyak ang balanse sa kapakanan ng mga tsuper at ng mga pasahero.


Ayon kay DOTr Acting Secretary Giovanni Lopez, hindi pa tinatanggihan ang panukalang taas-pasahe, bagkus ay pansamantala lamang itong isinantabi habang nagpapatuloy ang pagdinig at pagsusuri ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).


Sinabi rin ni Lopez na pinag-aaralan ng pamahalaan ang iba pang paraan upang matulungan ang mga tsuper at operator ng pampublikong sasakyan, kabilang ang pagpapatuloy ng mga fuel subsidy at iba pang posibleng ayuda.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page