P2.50 dagdag-presyo sa diesel, P1.25 sa gasoline
- BULGAR

- May 16
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | May 16, 2026

Photo: NBI
Nakaamba ang muling pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo bunsod ng muling paglala ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Ayon sa isang industry source nitong Biyernes, tinatayang tataas ng P2 hanggang P2.50 kada litro ang presyo ng diesel, habang maaaring madagdagan ng P0.75 hanggang P1.25 kada litro ang gasolina.
Batay umano ang pagtataya sa unang apat na araw ng trading ng Mean of Platts Singapore at galaw ng foreign exchange ngayong linggo.





Comments