top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

111 yrs. old nagpi-piano, nakarinig ng pagsabog; bahay natupok

Writer: BULGAR
BULGAR
50 minutes ago
1 min read

ni BRT @News | October 20, 2026



Sunog sa Maya Street, Barangay Phil-Am, Quezon City - CIrculated

Photo: Sunog sa Maya Street, Barangay Phil-Am, Quezon City - CIrculated



Nasunog ang isang bahay na gawa sa kahoy sa Maya Street, Barangay Phil-Am, Quezon City, bandang alas-5 ng madaling-araw ngayong Lunes, Oktubre 19.

Nakaligtas ang may-ari ng bahay na iniulat na 111-taong-gulang na lola.


Ayon sa kanya, nagpi-piano siya nang makarinig ng pagsabog. Nang puntahan niya ang kuwarto, malaki na ang apoy, kaya agad siyang humingi ng tulong.


Wala umanong suplay ng kuryente sa bahay, ngunit may nakasinding kandila sa altar.

Ayon sa BFP, nadamay rin sa sunog ang katabing bahay. Idineklarang fire out ang insidente alas-6:07 ng umaga.


Patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi ng sunog.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page