top of page
SHEET - MGA ARTISTANG NAG-EENDORSO NG ONLINE GAMBLING, ‘DI NAGLALARO-IG _ogie_diaz.jpg

P1K para sa ‘sumbungero’ ng ‘undeserving’ na benepisyaryo ng 4Ps — DSWD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 18, 2022
  • 2 min read

ni Lolet Abania | July 18, 2022




Ipinahayag ni Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo ngayong Lunes na pinag-iisipan niyang magkaloob ng P1,000 cash reward para sa magbibigay ng impormasyon hinggil sa “undeserving” na mga pamilya na nasa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries.


Ayon kay Tulfo, kung ang tip ay mapatunayang totoo, maaaring maibigay ang rewards kapag natapos na ng ahensiya ang proseso ng tinatawag na “cleansing” o paglilinis nito.


“Patuloy at ongoing pa ang paglilinis namin ng listahan. Siguro after that, kapag may narinig pa rin tayong mga kababayan nating nagrereklamo, papasimulan na natin ang pagbibigay natin ng reward na P1,000 sa (magsusumbong ng mga) hindi naman dapat beneficiary,” saad ni Tulfo.


Sinabi ng opisyal na marami silang natatanggap na mga reklamo sa kanilang hotline, subalit kapag dumaan na ito sa validation, lumalabas na ang impormasyon ay hindi totoo.


Kabilang dito ang mga complaints tungkol sa mga undeserving members umano na nasa listahan, subalit lumalabas na wala ang talaga ang mga ito sa listahan ng mga benepisyaryo kapag na-check na nila ito.


“Maraming gano’n, tumatawag sa hotline namin, agad naming sinisilip, pinapadalhan namin tao, tama nga naman, nasa bahay na bato pero wala sa listahan ng 4Ps. Ibig sabihin, ‘di sila tumatanggap,” paliwanag ni Tulfo.


Una nang sinabi ng DSWD chief na nasa 2 milyon na “undeserving” 4Ps beneficiaries ang matatanggal mula sa social assistance program habang patuloy ang kanilang pagre-review.


Sinabi pa ni Tulfo, ongoing naman ang kanilang ginagawang paglilinis sa listahan.


Samantala, ayon kay Tulfo, lalong pinatitibay ng DSWD ang kanilang partnerships sa Australian at French governments, kung saan aniya, nakipagpulong sila sa mga representatives ng mga embassies kamakailan.


“Patuloy na tutulong ang Australian government sa DSWD, partner namin sila for 14 years now, hindi lang sa disaster, kundi sa ibang proyekto pati. I heard they helped us build a warehouse before,” ani Tulfo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page