top of page
Pokwang.jpg

P147.93B dagdag-budget sa DepEd

Writer: BULGAR
BULGAR
7 hours ago
2 min read

ni Mervin Reyes @News | October 18, 2026



Si Education Sec. Sonny Angara sa Senado ang suporta sa panukalang P969.79 bilyong budget ng Department of Education - DepEd

Photo: Si Education Sec. Sonny Angara sa Senado ang suporta sa panukalang P969.79 bilyong budget ng Department of Education - DepEd



HIniling ni Education Sec. Sonny Angara sa Senado ang suporta sa panukalang P969.79 bilyong budget ng Department of Education (DepEd) para sa 2027, kasama ang karagdagang P147.93 bilyon upang matugunan ang kakulangan sa operasyon at pondohan ang mahahalagang programa.


Kabilang sa mga prayoridad sa panukalang budget ang P12.09 bilyon para sa promosyon ng 135,063 personnel sa ilalim ng Enhanced Career Progression (ECP) System at P3.25 bilyon para sa pagsasanay at pagpapaunlad ng kakayahan ng mga kawani.


Nakalaan din ang P350 milyon para sa 20,287 tutor sa Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program.


Para sa mga pasilidad ng paaralan, iminungkahi ang P13.49 bilyon para sa pagtatayo ng 3,854 silid-aralan, P7.33 bilyon para sa pagkukumpuni ng mga pasilidad, P2.6 bilyon para sa information and communications technology (ICT), at P500 milyon para sa pagkuha ng 1,667 security guard.


Kasama rin sa panukala ang P9.4 bilyon para sa Project for Learning Upgrade Support and Decentralization (PLUS-D), P6.4 bilyon para sa mga aklat at kagamitang panturo, at P2.78 bilyon para sa Inclusive Education programs na sumusuporta sa mga mag-aaral na may special needs, mga katutubo, Madrasah education at Alternative Learning System (ALS).


Para sa tulong sa mga mag-aaral, nakalaan ang P40.05 bilyon para sa 2.47 milyong benepisyaryo ng vouchers at subsidies, at P11.43 bilyon para sa School-Based Feeding Program.


Iminungkahi rin ang P801.5 milyon para sa 1,800 School Counselor Associates at 221 guidance counselor sa mga Schools Division Office upang palakasin ang gabay at suporta sa mga mag-aaral.


Muling hiniling ni Angara sa mga mambabatas na aprubahan ang karagdagang P147.93 bilyon upang matugunan ang mga kakulangan sa operasyon at maipagpatuloy ang mga reporma sa edukasyon. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page