top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

P13-B para sa mga manggagawa, good news!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 1, 2020
  • 1 min read

@Editorial | November 01, 2020



Aabot sa P13 bilyong pondo ang ipamimigay sa mga manggagawa na apektado ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), paghahati-hatian ang nasabing budget na galing sa Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).

Kung saan, ang P5 bilyon ay para sa one-time assistance sa 993,000 displaced workers sa formal sector; P6B para sa emergency employment sa 863,000 informal sector workers; at P2B sa 200,000 repatriated migrant workers.

Bukod sa P13 bilyong pondo mula sa Bayanihan 2, ang karagdagang P1 bilyon mula sa Commission on Higher Education (CHED) at P3 bilyon mula sa Department of Tourism (DOT) ay gagamitin naman para tulungan ang mga anak ng mga OFWs at iba pang manggagawa sa industriya ng turismo.

Maaari umanong sa susunod na linggo ay maibibigay na sa iba’t ibang probinsiya ang nasabing ayuda.

Batid naman natin kung gaano katindi ang epekto ng pandemic. Maraming negosyo ang napilitang magsara at kasabay nito ang kawalan ng hanapbuhay.

Patapos na ang taon, marami pa rin ang hindi tiyak kung paano makakabangon. Hinaharap na lang ang bawat araw na puno ng pag-asa kasabay ang mas matinding diskarte para sa pamilya.


Kaya sa mga makatatanggap ng ayuda, magsilbi sana itong magandang panimula.

Samantala, nagpapasalamat naman tayo na bukod sa gobyerno ay may mga tao at grupo mula sa private sector ang nagbubukas din ng pagkakataon para sa mga kababayan nating nawalan ng trabaho.

‘Ika nga, ito ang panahon na mas kailangang mag-alab ang bayanihan sa puso ng mga Pinoy.


Matapos man ang 2020 na puno ng pagsubok at pagkadapa, puwede pa tayong tumayo at lumaban para sa 2021.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page