P12.34 bilyong droga, nasamsam, winasak
- BULGAR

- 59 minutes ago
- 1 min read
ni Janice Baricuatro @News | August 28, 2026

Photo: Halos P12.34 bilyong halaga ng ilegal na droga ang winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Brgy. Aguado, Trece Martires City, Cavite. (Janice Baricuatro)
Mahigit 2.2 tonelada ng mga ilegal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng P12.34 bilyon ang winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kahapon sa Brgy. Aguado, Trece Martires City, Cavite.
Kabilang dito ang mahigit 1.77 milyong gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P12.06 bilyon, gayundin ang marijuana, cocaine, MDMA at iba pang dangerous drugs.
Isinailalim sa thermal decomposition sa Integrated Waste Management Inc. ang kabuuang 2,224,679.9705 gramo ng solid drugs at 106,386.0500 mililitro ng liquid drugs matapos makumpleto ang legal na proseso.
Kabilang sa pinakamalaking batch ang 876 kilo ng shabu mula sa MIMAROPA at 906.4 kilo na nasabat sa Valenzuela City.
Ayon sa PDEA, layunin ng pagsira na matiyak na hindi na muling makararating sa ilegal na merkado ang mga nakumpiskang droga.





Comments