top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

P11M shabu,nasabat sa Cebu

BULGAR
Feb 9, 2024
1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 9, 2024





Nasabat ng pulisya ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng higit sa P11 milyon sa mga buy-bust operations sa Metro Cebu bago ang bukang-liwayway nitong Biyernes.


Unang nahuli ang isang Mitch, 32, na inaresto sa Barangay Subangdaku, Mandaue City na may dalang 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000.


Sinabi ng pulisya na isang high-value individual (HVI) si Mitch sa listahan ng mga drug personalities na nag-ooperate sa lungsod.


Mga oras pa ang lumipas, isang HVI pa, si Rogelio Gabuya, 56, ang inaresto sa Barangay Maguikay, Mandaue. Isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.9 milyon ang nasabat mula sa suspek.


Ilang mga oras pa ang lumipas nang maaresto ang isang pang HVI, si Rogelio Gabuya, 56, sa Barangay Maguikay, Mandaue. Isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.9 milyon ang nasabat mula sa suspek.


Sa Barangay Tangke, Talisay City, P4 milyon na halaga ng shabu ang nakuha mula kina Egie Relampagos at Randy Daan.


Sinabi rin ng pulisya na naglabas ang mga suspek ng isang baril na may kalibre na 9mm.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page