top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

P112.8-B pondo para sa 4Ps, ibigay sa mga mas karapat-dapat

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 18, 2023
  • 1 min read

@Editorial | August 18, 2023


Nasa P112.8 bilyong pondo ang inilaan ng Department of Budget and Management (DBM) para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa susunod na taon.


Ayon sa ahensya, mas mataas ito ng P10.23 bilyon kumpara sa kasalukuyang budget na P102.61 bilyon.

Kaugnay nito, nasa 4.4 milyong pamilya ang makikinabang sa pondo.

Sa naturang pondo, P103.161 bilyon ang para sa iba’t ibang cash grants, gaya ng P750 per month sa health subsidies ng 4.4 million households, educational subsidies na nasa P300 hanggang P700 kada buwan sa mahigit 7 milyong estudyante at P600 na rice subsidies. Mahalagang matulungan ang mga mahihirap upang magkaroon sila ng pagkakataon na makabangon at umunlad.


Ang pakiusap lang natin sa kinauukulan ay tiyaking napupunta sa mga karapat-dapat na benepisyaro ang pondo.


Piliing mabuti ang mga mapapabilang sa programa at gawing regular ang pangungumusta sa kanila.


Kasabay nito ang patuloy na pagre-review sa kasalukuyang listahan, silang medyo nakaahon-ahon na sa buhay, alisin na at palitan ng iba pang higit na nangangailangan.


Umaasa tayo na sa pagpapatuloy ng 4Ps na mas pinalaki pa ang budget ay mas marami ang matutulungan at wala ng isyu ng palakasan, walang ‘K’ pero tumatanggap at kung anu-ano pang negatibong usapin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page