top of page
Search
  • BULGAR

P106B budget para sa 4Ps — DBM

ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 27, 2024




Sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) ngayong Martes na naglaan ang gobyerno ng P106.335 bilyon para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ngayong 2024.


Halos P4 bilyon ang kasalukuyang itinaas ng halaga mula sa P102.610 bilyong alokasyon ng 4Ps noong 2023, ayon sa ahensya.


“This significant funding will greatly benefit millions of our kababayans (countrymen) who are in dire need,” pahayag ni DBM Secretary Amenah Pangandaman.


“As directed by President Ferdinand R. Marcos, Jr., we will ensure that 4Ps under the Bagong Pilipinas will be provided with needed funding support as this program serves as a lifeline that bridges dreams to reality for many Filipinos,” dagdag niya.


Tutugon ang alokasyon sa 4.4 milyong Pilipino na kwalipikado sa ilalim ng programa. Tatanggap ang bawat isa sa kanila ng P750 kada buwan para sa mga subsidiya sa kalusugan at P400 kada buwan para sa mga subsidiya sa bigas bilang mga benepisyaryo ng 4Ps, ayon sa DBM.


Sakop din ng pondo ang mahigit sa 7 milyong mag-aaral, na nakatakdang makatanggap ng P300 hanggang P700 na buwanang subsidiya sa edukasyon.


Gayunpaman, sinabi ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian sa isang pahayag na nakadepende ang halaga ng subsidiya sa pangangailangan ng bawat benepisyaryo ng 4Ps.

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page