P100M kontrabando, nasabat ng Navy
- BULGAR

- 6 hours ago
- 1 min read
ni Mervin Reyes @News | September 7, 2026

Photo: 72-M contraband at illegal na sigarilyo nasabat - PAO, Naval Command Western Mindanao
Tinatayang P100 milyong halaga ng hinihinalang kontrabando ang nasamsam ng Naval Command Western Mindanao (NCWM) sa tatlong maritime operations mula Agosto 28 hanggang Setyembre 3.
Kabilang sa mga nakumpiska ang undocumented diesel fuel na nagkakahalaga ng P72,172,046; smuggled foreign-brand cigarettes at isang motor vessel na P27,228,969; at ilegal na kargang Lauan lumber na P251,999. Umabot sa P99,653,015 ang kabuuang halaga ng nasamsam.
Pinuri ni NCWM commander Rear Admiral Constancio Arturo Reyes Jr. ang mga operating unit at partner agencies sa kanilang pagbabantay at koordinasyon.
Ipinasa ang lahat ng nakumpiskang kontrabando sa Bureau of Customs-Port of Zamboanga at iba pang kinauukulang ahensya para sa legal na disposisyon.





Comments