P100K TF, naging P10K na lang… KEAN, ‘DI RAW NAGBABAYAD NANG TAMA SA MGA ARTISTS
- BULGAR

- 4 hours ago
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | March 9, 2026

Photo: Kean Cipriano / Instagram
Viral ngayon ang blind item post ng lalaking Marites na si Xian Gaza tungkol sa isang sikat na artistang nagmamay-ari ng music label at affiliated sa sikat na major music label company.
Isa-isa naming binasa ang nasa comment section nang i-repost ito ng isang digital creator at puro pangalan ni Kean Cipriano ang binanggit na may kuwentong hindi raw nito ibinibigay ang tamang bayad sa mga singers na under his music label na OC Records.
Parte ng post ni Xian Gaza, “For every P100,000 na kinikita nila sa YouTube (YT) o Spotify, less than P10,000 na lamang ang napupunta sa mga artists sa dami ng mga pautot na deductions.
“Sa P10,000 na ‘yun, kakaltas pa s’ya ng 30% bilang talent manager. Around 95% nu’ng income sa YouTube (YT) at Spotify ay napupunta sa bulsa ng ating subject tapos ‘yung kakarampot na halaga ay lumalampas pa ng isang taon bago ma-release sa mga kawawang artists.”
May nagsabi pang isa ang singer-songwriter na si Unique Salonga, bokalista ng IV of Spades, na umalis sa banda noong 2018 dahil gustong mag-solo at napunta nga siya sa OC Records na pag-aari ni Kean na dating miyembro ng Callalily Band.
Naisip namin na ang pag-alis kaya ni Unique ang dahilan kung bakit matagal na nawala sa limelight ang IV of Spades at nitong 2025 lang sila ulit nagbalik dahil bumalik na rin si Unique bilang bokalista nila?
Anyway, nagtanong kami sa OC Records tungkol dito at sabi sa amin, “Kung si Kean man, ‘di ko alam kung ano ang hugot n’ya.”
Ipinaliwanag namin na si Xian ang kinokontak ng mga may reklamo sa career nila at ‘yung iba ay sadyang ipinapa-blind item ang mga artista, either para aware ang mga partners kung meron man. At saka namin binanggit si Unique na umano’y hindi raw nabayaran nang tama kaya umalis.
“Nababayaran sila nang tama base sa mga pinirmahan nila,” ito ang mabilis na sagot ng taga-OC Records.
Dagdag pa, “Maayos naman ang pag-alis n’ya sa amin.”
Sa tanong namin kung bakit maraming nagsabing P10,000 na lang ang natatanggap sa kinitang P100,000 sa streaming platform, sinabihan kaming tatawagan kami para ma-explain nang maayos, pero hanggang sa matapos naming sulatin ang balitang ito ay hindi na kami nabalikan pa.
Nananatiling bukas ang BULGAR sa panig ni Kean Cipriano o ng kampo niya.
METIKULOSO sa kanyang trabaho ang premyadong aktor na si Jake Cuenca at alam naman ito ng lahat na sadyang inaaral niya ang bawat karakter na ginagampanan niya at sabi niya lagi ay nag-i-immerse siya.
Ang karakter niyang Miguelito Guerrero sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) ay hindi niya inaasahang magki-click dahil ang usapan nila ng direktor-aktor na si Coco Martin ay ilang buwan lang at mawawala na siya sa serye, pero hindi nangyari dahil tumagal nang tumagal dahil kapag magkaeksena sina Miguelito at Tanggol ay parang sinipa ng kabayo ang mga ratings.
Hindi lang minsan, dalawa o tatlong beses itong nangyari kaya nagdesisyon na ang creative head ng BQ na manatili si Jake sa aksiyon-serye.
Kita naman na hanggang sa mga huling linggo at araw ay mainit na pinag-uusapan pa rin kung paano mapapatay ni Tanggol si Miguelito.
Anyway, base sa panayam ng ABS-CBN kay Jake ay sobrang hanga siya kay Coco. Ayon sa aktor, itong BQ ang pinakamahirap at pinaka-challenging na ginawa niya.
“Every single time na magkasama kami ni Direk Coco Martin, iba s’ya talaga. Kaya kong sabihin na ngayon pa lang na abangan ninyo ang ending ng Batang Quiapo.
Pinaghirapan po namin ito, pinagpawisan, pinagduguan para po sa lahat ng manonood. For the loyal viewers ng Batang Quiapo, magkita-kita po tayo sa finals.
“To be honest with you, parang the whole experience was a challenge, pero more than the feeling of a challenge, parang excited ka lagi pumunta sa set. Looking back on all the taping days and all the scenes that I’ve done, there was not one day na ‘di ako excited and there was not one day I wasn’t having fun in the show,” pagtatapat ni Jake.
Ngayon, magtatapos na ang Batang Quiapo, “Right now, it’s just a feeling of ‘wow.’ I just crossed the finish line and I can finally be Jake Cuenca again.”
Buwis-buhay daw talaga siya sa serye at kapag inalok siya ulit ni Coco ay go siya agad.
“Direk Coco Martin. I’m always one call away for my best friend. Kahit ano pa mang role ‘yan, I’m ready to answer the call. I’m just so happy that I was able to do it. And I’m so grateful to Batang Quiapo for choosing me as Miguelito Guerrero,” pagmamalaki ng aktor.




Comments