top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

P100 dagdag-sahod, kakayanin ba ng maliliit na negosyo?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 21, 2024
  • 1 min read

@Editorial | Pebrero 21, 2024



Magkahalong saya at pangamba ang balitang nakalusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang nagtataas ng daily minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor ng P100.


Ang Senate Bill 2534 o “An Act Providing for a 100 Pesos Daily Minimum Wage Increase for Employees and Workers in the Private Sector” ay nakakuha ng 20 affirmative votes, zero negative votes, at zero abstention.Wala naman sa session hall sa botohan sina Senators Lito Lapid, Imee Marcos, Cynthia Villar at Mark Villar.


Masaya ang mga empleyado dahil umusad na ang panawagang umento na kahit paano ay makakadagdag sa pang-araw-araw na gastusin. 


Sa mahal ng bilihin at ‘di maawat na taas-singil sa mga serbisyo, malayu-layo na rin ang mararating ng P100.


Gayunman, nangangamba naman lalo na ang maliliit na negosyo. May iba na halos ‘di pa nakakabawi mula sa epekto ng pandemya at nakikipagsapalaran din sa taas-presyo.


Kaya ang tanong nila, saan huhugot ng dagdag na pampasuweldo?


Sana, kung gaano kabilis at katiyak ang mga senador para aprubahan ang P100 dagdag-sahod ay ganu’n din ang maging implementasyon nito nang walang nalalagay sa alanganin. Pero kung ito ay pagpapaasa lang sa mga manggagawa, ang saklap naman.


Sana, talagang napag-aralang mabuti ang panukala at ‘di tulad ng sinasabi ng iba na ito’y pagpapa-pogi lamang.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page